Friday, April 27, 2018

10 HALAMANG GAMOT NA APROBADO NG DOH

Matapos ang ilang taong pananaliksik, ang programang ito ay nag palabas ng lista ng 10 halamang gamot na aprobado ng Department of Health ng Pilipinas. Ang sumusunod na lista ay ang 10 halamang gamot na epektibo at safe gamitin ng mga Pinoy para gamutin ang ating mga karamdaman.

  1. Akapulko o ringworm bush – Ang halamang gamot na ito ay ginagamit na panglunas sa buni, kagat ng insekto, eksema at pangangati ng balat. 
  2. Ampalaya o bitter melon – Ang halamang gamot na ito ay napatunayang epektibong panlaban sa sakit na diabetes, almoranas at paso sa balat. Potensiyal din itong maging panlunas sa kanser. 
  3. Bawang o garlic – Ang bawang ay gamit ng mga Pilipino para gamutin ang impeksyon. Ito ay may sangkap na epektibong panlaban sa mga mikrobyo. Kilala din itong gamot sa pamamaga at highblood dahil kaya nitong pababain ang dami ng kolesterol sa dugo. Pinag aaralan ng mga dalubhasa ang bawang bilang posibleng lunas sa kanser.
  4. Bayabas o Guava – Ang bayabas ay gamot laban sa impeksyon, pamamaga, sakit sa atay at diabetes. Ginagamit ito bilang antibiotic para hindi maimpeksyon ang sugat.
  5. Lagundi o 5-leaved chaste tree -Ito ay ginagamit bilang lunas sa ubo, sipon at lagnat. Ginagamit din ito para gamutin ang hika, pamamaga ng lalamunan, rayuma, sakit ng tiyan, pigsa, at pagtatae.
  6. Niyog-niyogan o Chinese honey suckle – Ginagamit ito ng mga Pinoy bilang pamuraga.
  7. Sambong o Blumea camphor – Ito ay ginagamit na panggamot sa bato sa bato, sugat, rayuma, pagtatae, pangmamanhid, ubo, sipon at highblood.
  8. Tsaang gubat o Wild tea – Ito ay ginagamit bilang panggamot sa mga problema sa balat tulad ng allergy, eksema, scabies at pangangati ng mga sugat na dala ng panganganak.
  9. Pansit-Pansitan – Ito ay ginagamit ng mga Pilipino bilang lunas sa artritis at gout.
  10. Yerba Buena o Peppermint – Gamot ito sa pananakit ng katawan na dala ng rayuma at gout. Lunas din ito sa ubo, sipon at kagat ng insekto.


TAMANG PAGKOLEKTA NG MGA HALAMANG GAMOT

Sa totoo lang, kahit saan ka tumira ay makakakuha ka ng halamang gamot na maaari mong gamitin bilang gamot sa mga sakit mo, totoo din ito kahit nakatira ka pa sa mga malalaking lungsod tulad ng Metro Manila. Pero tandaan, may mga pamamaraan na dapat mong tandaan bago ka kumuha ng halamang gamot na kailangan mo! Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang payo na dapat mong sundin para talagang maging nakapagpapagaling ang mga halamang gamot na makukuha mo.

KILALANIN NG TAMA ANG MGA HALAMAN

Karamihan sa mga halamang gamot na aprobado ng department of health tulad ng sambong, akapulko, ampalaya at iba pa ay pangkaraniwan sa mata ng ordinaryong mga Pinoy. Ngunit, may mga uri ng halaman na halos magkasing itsura ng iba pang uri, at ang pag gamit ng maling halamang gamot bilang lunas sa isang partikular na sakit ay mapanganib at nakamamatay.
Ano ang dapat mong gawin kung hindi ka sigurado sa halamang gamot na iyong nakita? Maghanap ka ng mapagkakatiwalaang source sa internet. May mga larawan na tutulong saiyo para mahanap moa ng tamang species ng halamang gamot na iyong hinahanap. Isa pa, pwede kang magsama ng isang nakatatanda sa paghahanap mo ng mga halamang gamot. Maaaring sila ay may malawak na kaalaman tungkol sa uri ng halamang medisinal na iyong hinahanap. Karamihan sa mga nakatatanda ay nagagalak na tumulong sa ganitong mga pagkakataon kaya huwag kang mahiya na maghingi ng tulong paminsan minsan.

HUWAG KUKUHA NG HALAMAN NA MALAPIT SA LANSANGAN

Tandaan, ito’y isang seryosong tuntunin sa pangongolekta ng mga halamang gamot: huwag kang kukuha ng halaman kapag ito ay hindi pa isang milya ang layo sa mga kalsada. Bakit naman? Alam naman natin na ang mga sasakyan na nagdaraan sa mga kalsada ay nagbubuga ng mapanganib na usok na siyang sanhi ng polusyon sa hangin. May mga halamang gamot tulad ng malunggay, kangkong at talinum na may kakayahang sumipsip ng mapanganib na mga kemikal at itago ito sa kanilang mga katawan. Pag kinain o ininom moa ng pinaglagaan nito, para kang uminom ng lason. Imbes na magamot ang iyong karamdaman, pwede kang magkaroon ng isang uri ng kanser kapag hindi mo sinunod ang payong ito.

KUMUHA NG HALAMANG GAMOT SA TAMANG LUGAR

Sinasabing hindi nagkakataon lang kung bakit ang isang lugar ay masaganang kinabubuhayan ng isang partikular na halamang gamot. Kung naghahanap ka ng isang species ng halaman at nakakita ng mangilan ngilan sa lugar mo, huwag ka munang pipitas. Maghanap ka pa ng isang lugar na kung saan nabubuhay ang maraming pananim na kauri ng hinahanap mo. Kung ang isang lugar ay para bang paboritong tirahan ng isang uri ng halaman, ibig sabihin lamang nito na ang lupa sa lugar na iyan ay hitik sa organikong mga meniral na kailangan mo upang gumaling ka. Dito mo kunin ang mga halaman na kailangan mo.

MAINGAT MONG PILIIN ANG ORAS NG PAGKUHA NG HALAMANG GAMOT

Hindi porke’t alam mo na kung anong halamang gamot ang kukunin at saan ito kukunin ay maaari ka nang pumitas ng halaman sa kahit anong oras mo gustuhin. Ang pag oobserba ng tamang panahon sa pamimitas ng halamang gamot ay mahalaga para maramdaman mo ang lunas na hinahanap mo.
Mamitas ka ng halaman gamot na kailangan mo sa umaga kapag mataas na ang araw, na tuyo na ang mga hamog na naipon sa mga dahon ng halaman. Pwede kasing mabulok agad ang mga mga kinolekta mo kung kukunin mo ito ng basa.

source: http://halamang-gamot.com/10-halamang-gamot/



No comments:

Post a Comment

10 HALAMANG GAMOT NA APROBADO NG DOH

Matapos ang ilang taong pananaliksik, ang programang ito ay nag palabas ng lista ng 10 halamang gamot na aprobado ng Department of Health ng...