Tuesday, April 24, 2018

HALAMANG GAMOT: Ano nga ba ang Halamang gamot na kung tawagin ay PARAGIS (GOOSE GRASS)?



Ano nga ba ang Paragis?
Ang paragis ay isang uri ng damo na karaniwang makikita sa gilid ng daan, sa mga bakanteng lote o kahit saan pa basta may lupa. Ito ay katulad lamang ng ibang damo na pahaba at patulis ngunit ang pinagkaiba nito sa iba ay ito ay may tumutubong spikelets sa tuktok ng damo na siya namang nagsisilbing buto ng halaman.
Akala natin perwisyo lamang ang damong ito sa ating bakuran pero alam niyo ba na ang damong paragis ay napakaraming benepisyo na maibibigay para makaiwas sa maraming sakit. Halika at talakayin natin isa-isa.
Ayon sa mga pag-aaral, ang paragis ay nagtataglay ng maraming property gaya ng anti-inflammatory, antibacterial, antioxidant, diuretic, cytotoxic property, laxative, anthelmitic, diaphoric, febrifuge, protein.
Teka-teka… ano ba yang mga pinagsasabi ko?
Eto na nga..
Una, ang paragis ay mayroong anti-inflammatory, nakakatulong ito makapagpawala ng mga pamamaga, o pamumula. Nagkakaroon ng pamamaga o pamumula dahil sa mga infection o sa mga bakterya. Malulunasan nito ang mga sakit na dermatitis, csystitis, arthritis, hepatitis, gastritis, tonsillitis, sinusitis, dysentery, etc.
Pangalawa, mayroon itong antibacterial, pinupuksan nito ang mga bad bacteria sa ating katawan na maaaring magdulot ng mga sakit.
Pangatlo, isa rin itong antioxidant na tumutulong makaiwas sa mga sakit, may mga bitamina ito gaya ng A, C at E at mga sustansyang makukuha mula sa paragis na makakapagpalakas ng resistensya ng tao upang makaiwas sa simpleng ubo at sipon na maaaring magtuloy sa kanser.
Pang-apat, ito ay isang natural diuretic na kung iinomin mo ang paragis tea, panigurado ikaw ay iihi ng iihi dahil sa diuretic, nagproproduce ito ing likido at nilalabas nito ang mga toxins at sobrang alat sa loob ng ating katawan. Maganda ito para sa mga taong may karamdaman sa bato o sa kidney kagaya ng UTI, kidney stones, o sa mga hirap umihi.
Panglima, kung may mga bad cells or infected cells ka sa katawan, maiiwasan natin yun dahil ang paragis ay mayroong cytotoxic property na may kakayahang pumuksa ng mga infected cells gaya ng mga cancer cells. Dito nilalabanan ng paragis ang kanser sa katawan.
Pang-anim, ito ay may laxative. Ang katawan ng tao ay may natural na laxative o pang tunaw ng mga kinain pero kung hindi ito sapat, nagiging constipated ang tao at nahihirapang dumumi. Pero kung iinom ka ng paragis tea, maaaring maiwasan ang pagiging constipated o pagkakaroon ng almoranas dahil sa constipation. 
Pangpito, ang paragis ay mayroong anthelmitic, ibig sabihin mayroon itong kakayanan puksain ang mga bulate at mga parasites sa tyan at bituka.

Pangwalo, kung makakainom ka ng paragis tea maaari mong maranasan na pagpawisan ka, ito ay dahil ang paragis ay diaphoric. Nilalabas nito ang mga toxins sa katawan sa pamamagitan ng pagpapawis.
Pangsiyam, mayroon itong febrifuge na makakapagpababa ng lagnat na dulot ng mga infections at bacteria sa katawan.
Pangsampu, ang paragis ay may likas na protina na nakakapagpalakas sa katawan ng tao. Kung ang katawan ng tao ay kulang sa protina, manghihina ito at magkakaroon ng mga sakit. Kaya maganda itong maipainom sa mga taong may mahihinang katawan.
Grabe naman pala itong Paragis.. Halimaw sa mga sakit!!! Salamat sa Panginoon at ibinigay nya ang paragis sa mga tao pati na rin sa mga hayop..
Dati ang damo ng paragis pagkain lamang ng mga kabayo, kalabaw, o ng mga kambing. Naisip niyo ba na ang galling, kaya pala ang lalakas ng mga hayop na ito dahil napaka sustanya pala ng damo ng paragis.


credits to: --Chef Ayb’s Herbal Tea

No comments:

Post a Comment

10 HALAMANG GAMOT NA APROBADO NG DOH

Matapos ang ilang taong pananaliksik, ang programang ito ay nag palabas ng lista ng 10 halamang gamot na aprobado ng Department of Health ng...