NARITO ANG MGA HEALTH TIPS NGAYONG TAG-INIT!
Tag-init na naman at pataas ng pataas ang temperatura sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas! Ayon sa PAGASA, ang temperatura sa Kamaynilaan ay umabot na ng 34.7 C.
Narito ang mga iba’t ibang paraan upang manatiling mabuti ang lagay ng kalusugan sa kabila ng init:
- Uminom ng mas maraming tubig upang mapanatiling hydrated ang katawan.
- Iwasan ang sobrang nakakapagod na mga gawain sa tanghaling tapat at sa kainitan ng araw.
- Iwasan ang pag-inom ng inuming may alcohol (halimbawa, alak) o caffeine (halimbawa, kape)sapagkat maari nitong palalain ang dehydration o kawalan ng tubig.
- Ang paliligo o pagbabanlaw sa tubig ay nakakatulong sa pagpapababa ng temperatura ng katawan.
- Magpahinga at matulog ng sapat upang maka-recover ang katawan sa pagod at panghihina.
- Kumain ng masusuntansyang pagkain gaya ng prutas at gulay. Ito’y nakakatulong panlaban sa dehydration.
- Magsuot ng mga damit na magaan sa pakiramdam. Gumamit ng saklob o payong kung kinakailangan. Sa mga magbababad sa labas, rekomendado din ang paggamit ng sunblock.
source: http://kalusugan.ph/summer-na-mga-payong-pangkalusugan-ngayong-tag-init/
No comments:
Post a Comment